Namahagi ng Php 1 Million na financial assistance ang National Housing Authority (NHA) para sa 110 pamilya sa Iloilo na nasiraan ng bahay dulot ng nagdaang bagyong #EgayPH.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, bawat pamilya ay nakatanggap Php10,000 mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.
Ang pamamahagi ng ayuda ay isinagawa sa mga munisipalidad ng Pavia, Zarraga, Iloilo City, Tubungan at San Joaquin.
Noong Hulyo 27, 2023, nang hagupitin ng Tropical Cyclone Egay at habagat ang Region 6, partikular ang Iloilo City at lalawigan ng Iloilo, Guimaras, Aklan, Antique at Negros Occidental.
Nagdulot ng malawakang pagkasira ang bagyo ng komunidad, imprastraktura at agrikultura.
Nakatakda pang mamahagi ng EHAP ang NHA sa mga lalawigan ng Antique, Aklan, at Negros Occidental.| ulat ni Rey Ferrer