Isinasagawa ngayon ng National Irrigation Authority (NIA-Kalinga) ang massive dissiltation sa main at lateral canals ng Upper Chico River Irrigation System (UCRIS) bilang paghahanda sa El Niño.
Ayon kay Engr. Ferdinand Indammog, acting irrigation management officer ng NIA-Kalinga, ginagamit nila ngayon ang dalawang backhoe na short arm at long arm na kabilang sa ibinigay ni President Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan bilang bahagi ng mitigating program ng gobiyerno sa El Niño phenomenon sa buong bansa.
Ayon kay Indammog, malaking tulong ito para mapanatili ang malakas na daloy ng tubig sa irigasyon ilog Chico .
Ayon sa kanya, sa ngayon may sapat na suplay ng patubig ng upper Chico River Irrigation System para sa mga bukirin ng ilang bahagi ng lalawigan ng Isabela , Tabuk City at Pinukpuk, Kalinga.
Kung sakaling lumiit ang tubig sa ilog Chico sa buwan ng Abril, nakahanda umano ang rotational schedule ng patubig sa mga nasasakupan nito para hindi maapektuhan ang produksyon ng palay sa siyudad ng Tabuk at ilang bayan ng Isabela.| ulat ni Aquino Perez| RP1 Tabuk