Tumatanggap na ng nominations para sa 2024 Search for Outstanding Government Workers ang Civil Service Commission.
Ayon sa CSC, maaaring gawin ang online submission sa pamamagitan ng kanilang Regional Offices at itinakda ang deadline sa Marso 31, 2024.
Bilang bahagi ng rewards and incentives mechanism ng gobyerno sa ilalim ng Honor Awards Program, layon ng annual search ay kilalanin ng lubos ang civil servants na nagpakita ng kanyang dedikasyon at pangako sa kanilang trabaho.
Gayundin upang magbigay ng inspirasyon sa iba pang empleyado ng estado tungo sa mas malalim na pakikilahok sa serbisyo publiko.
Lahat ng government workers sa career at non-career service kabilang ang appointive barangay officials ay maaaring ma-nominate.
Hindi naman kasama sa coverage ng programa ang mga kawani na nasa ilalim ng Job Order o Contract of Service. | ulat ni Rey Ferrer