Tiniyak ng National Telecommunications Commission (NTC) na masusi na nitong pinag-aaralan ang mga mosyong inihain ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Kabilang dito ang mosyong mag-inhibit sa paghawak ng kaso sina NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, at Deputy Commissioner Alvin Bernard Blanco.
Naghain din ito ng Motion for Bill of Particulars kung saan pinatutukoy ng SMNI ang naging violations nito sa Certificate of Public Convenience.
Ayon sa NTC, makakaasa ang NTC na ireresolba nito ang mosyon ng TV network na naaayon sa due process at panuntunan ng ahensya.
“The NTC is objectively studying Respondent Swara Sug/SMNI’s aforementioned motions, and shall proceed to consider and resolve the same in adherence to the provisions of NTC’s Rules of Procedure, and tenets of fair play and due process.” | ulat ni Merry Ann Bastasa