Nagpasalamat si National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. kay United Nations Special Rapporteur (UNSR) on the promotion and protection of freedom of opinion and expression, Ms. Irene Khan, sa kanyang positibong pakikitungo at kooperasyon sa pamahalaan.
Ito’y matapos na makausap kagabi ng mga opisyal ng NTF-ELCAC at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan si Ms. Khan, sa welcome dinner na ipinagkaloob ng Presidential Task Force on Media Security sa Barbara’s Heritage restaurant in Intramuros, Manila bilang bahagi ng opisyal na pagbisita sa bansa ng UNSR.
Dito’y nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyal ng pamahalaan na ipaliwanag kay Ms. Khan ang sitwasyon ng “Freedom of Expression and Opinion” sa bansa, at mga hamon at hakbang sa pagtataguyod ng naturang karapatan.
Ayon kay Usec. Torres, ang pagbisita sa bansa ni Ms. Khan ang pangatlong pagkakataon na tinanggap ng kasalukuyang administrasyon ang isang United Nations Special Rapporteur, na patunay ng umiiral na demokrasya sa bansa at progresibong agenda ng pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne