Welcome para kay Nueva Ecija Rep. Ria Vergara ang hakbang ng DA na magpataw ng moratorium sa pag-aangkat ng sibuyas.
Ayon kay Vergara, magandang balita ito lalo na at sa katapusan ng buwan ng Pebrero ay magsisimula nang mag-ani ng sibuyas ang mga lokal na magsasaka.
Paalala ng mambabatas, dapat ay alamin muna ng DA ang estado ng produksyon ng lokal na sibuyas bago mag-angkat.
Kapag kasi aniya nagpasok ng mas murang imported na sibuyas ay bababa ang kuha ng mga trader sa ating mga magsasaka.
“This is very good news becaus by end of February farmers will start to harvest onions. Dapat tignan muna ng DA ang production natin bago mag import — bringing in the cheap imported onions while we are harvesting will lower the buying price of the traders to farmers.” sabi ni Vergara.
Diin pa ni Vergara, dapat palakasin ang onion industry at food security at mag-angkat lamang kung kulang ang locally produced onions.
Nagdesisyon ang DA na magpatupad ng moratorium sa pag-aangkat ng sibuyas matapos bumagsak ang farmgate price ng sibuyas na nakakaapekto na sa ilang magsasaka. | ulat ni Kathleen Forbes