Magbubukas ngayong araw ang tanggapan ng City Treasury Deparment ng Malabon City government para sa mga taxpayer na magbabayad ng local taxes, iba pang bayarin at charges.
Pinalawig ang operating hours ng pagbabayad para mabigyan ng sapat na panahon ang mga taxpayer.
Sa abiso ng LGU, bukas ang tanggapan ng City Treasury Department ngayong araw mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Sa araw naman ng Lunes bukas, Enero 15 hanggang 19, tatanggap ng bayarin ang treasury department mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.
At sa araw ng deadline sa Enero 20, ay hanggang alas-5:00 lang ng hapon magbubukas ang nasabing tanggapan.
Pinahaba ang schedule ng pagbabayad mula Enero 13 hanggang Enero 20, 2024. | ulat ni Rey Ferrer