Upang hindi na makadagdag sa gastusin ng mga OFW kapag tatawag sa hotline ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang idulog ang kanilang mga hinanaing, sumbong, o reklamo, nagkaroon ng partnership ang OWWA at Philippine Long Distance Telecomunications Company (PLDT) para maging libre na ang pagtawag sa 1348 Hotline.
Ito’y sa pamamagitan ng Tindahan ni Bossing (TINBO) app na maaaring i-download ng mga OFW sa kanilng Smartphone upang makatawag ng libre sa Hotline ng OWWA.
Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, isa ito sa kanilang proyekto upang mas mailapit pa ang serbsiyo ng pamahalaan sa mga bagong bayani ng bansa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa huli, nagpasalamat naman si Administrator Ignacio sa PLDT sa pangunguna ni Manny Pangilinan sa pagbibigay suporta sa mga OFWs na makapaghatid ng ganitong inisyatibo mula sa pribadong sektor. | ulat ni AJ Ignacio