Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umabot sa P1.2 bilyon ang kinita ng 10 pelikula na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito ay sa pagtatapos ng pinalawig na theatrical run ng MMFF movies hanggang nitong January 14.
Nahigitan nito ang record ng 2018 MMFF na kumita ng P1.061 bilyon kung saan nasa 1,200 na mga sinehan ang binuksan at ngayon ay nasa 800 na mga sinehan lang.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson at concurrent MMFF Execom Chair Atty. Don Artes, kabilang sa mga factor na kung bakit naging box-office ang mga pelikula sa 2023 MMFF ay dahil sa kalidad ng mga ito, at ang magandang promotional activities sa mga pelikula.
Hinikayat naman ni Artes ang mga production company at mga producer na patuloy na lumikha ng mga kalidad at mas magagandang pelikula para sa 2024 MMFF. | ulat ni Diane Lear