Binunot at sinunog ng mga awtoridad ang P3.3-million halaga ng marijuana sa isinagawang eradication operation sa tri-boundaries ng La Union, Ilocos Sur at Benguet.
Ayon kay PDEA Regional Office I Director Joel B. Plaza, binunot at sinunog ng mga awtoridad ang mahigit-kumulang 15,600 na fully grown marijuana plants at 5,000 na marijuana seedlings sa tatlong plantasiyon na may lawak na 2,402 metro kwadrado.
Agad na sinunog ng mga kinauukulan ang mga binunot na ipinagbabawal na gamot pagkatapos ng operasyon.
Naging matagumapay ang eradication dahil sa pagtutulungan ng PDEA La Union Provincial Office (PDEA LUPO), PDEA Ilocos Sur Provincial Office (PDEA ISPO), 1st La Union Provincial Mobile Force Company (LUPMFC), La Union Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (LUPPO-PDEU), at Santol Municipal Police Station. | ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo