Target ni Finance Secretary Ralph Recto na makalikom ng Php4.3 trillion na buwis at revenue ngayong taon, lalo’t mayroong sinusunod na National Development Plan ang administrasyon.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na tututok ang pamahalaan sa pag-likom ng Php1 trillion na koleksyon sa ilalim ng Bureau of Internal Revenue.
P1 trillion sa ilalim ng Bureau of Customs (BOC), at P300 billion collection naman sa ilalim ng Bureau of Treasury.
Upang maisakatuparan ito, kailangang umabot sa Php20 billion ang koleksyon ng pamahalaan kada araw, upang masiguro ang fiscal sustainability ng bansa, lalo’t sa 2025, plano ng gobyerno na humiram ng P2.7 trillion.
“It’s all about fiscal sustainability and like I said, you have a National Development Plan to fund. Incidentally we will be borrowing Php2.7 trillion next year.” —Secretary Recto.
Kaugnay nito, siniguro ng kalihim sa mga Pilipino na sa ilalim ng kaniyang pamumuno sa DOF, tama ang paggastos ng pondo ng pamahalaan, mabilis ang gagawing pagtugon sa mga pangakong pamumuhunan sa bansa, maging ang paghahanap ng pondo para sa social services ng gobyerno, at paglikha ng trabaho, para sa mga Pilipino.
“So every night, when I wake up in the morning, dapat ang nakolekto natin more or less Php20 billion to fund all the needs of our people and the requirements of government, and to make sure that money is spent wisely dahil we have to stretch every peso, including acting faster on investment, particularly the President has just signed the new PPP Law. That will free up government sources for social services, investments also in creating more jobs for our country.” —Secretary Recto.
| ulat ni Racquel Bayan