Nakapalabas ng P40.3 milyon na cash gift sa mga centenarian ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 sa taong 2023.
Sa datos ng ahensya, nasa kabuuang 403 centenarians ang nabigyan ng P100,000 cash gift at plaque of felicitation mula sa Office of the President.
Sa mahigit 400 na centenarian, 49 ay mula sa Aklan, 32 mula sa Antique, 61 mula sa Capiz, 11 mula sa Guimaras, 20 mula sa Iloilo City, 139 mula sa Iloilo Province, 17 mula sa Bacolod City, at 74 mula sa Negros Occidental.
Ang pagbibigay ng cash gift ay alinsunod sa Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016.
Samantala, ipinahayag ni Atty. Carmelo Nochete, regional director ng DSWD FO-6, na pinabibilis na nga ahensya ang pagproseso ng cash gift sa mga target na benepisyaryo ngayong 2024.lMerianne Grace Ereñeta, RP1 Iloilo
(Photos by DSWD FO-6)