Kasalukuyang ipinapatupad ngayon ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang access road project na magdurugtong sa dalawang liblib na mga barangay sa bayan ng Kabasalan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.
Ang mga barangay na pinagdurugtong ng nasabing proyekto ay ang Barangay Banker at Barangay Sininan ng nabanggit na munisipyo.
Ang pondo ng proyekto ay hinatak ng DPWH mula sa General Appropriations Act of 2023 na pinangangasiwaan ng DPWH Zamboanga Sibugay 2nd Engineering District Office.
Ito’y may haba na 1,985 linear meters na tumatagos sa liblib na mga sitio ng Barangay Banker at Barangay Sininan.
Ang nasabing access road ay magbibigay ginhawa sa mga motorista at sa mga residenteng magbibyahe’t maghahatid ng kanilang mga produktong agrikultural sa merkado at sa mga bagsakan center ng lalawigan.
Ang proyekto ay bahagi pa rin ng infrastructure flagship projects ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa ilalim ng kanyang “Build, Better, More” Development Agenda.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay