Ipinagbawal na ng Department of Agriculture ang pag-angkat ng poultry products mula sa California at Ohio sa Amerika dahil sa outbreak ng bird flu o Highly Pathogenic AvianInfluenza.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipinatupad ang ban sa importasyon upang mapigilang makapasok sa bansa ang HPAI-H5N1 virus.
Kabilang sa mga ipinagbawal na ipasok sa bansa ang live birds, poultry meats, itlog at iba pang produkto.
Paliwanag pa ng DA, bukod tangi ang mga galing California at Ohio sa Amerika ang sakop ng ban salig sa panuntunan.
Ipinag-utos din ng kalihim ang pagsuspinde sa lahat ng mga Sanitary Phytosanitary Import Clearance para sa poultry products mula sa dalawang estado ng Amerika.
Papayagan naman na makapasok sa bansa ang mga shipment na galing sa California at Ohio bago ang pagpapatupad ng ban noong Enero 15, 2024.
Gayunman, ang poultry products na inimport sa California at Ohio matapos ang Nobyembre 14 at 21, 2023 ay wawasakin ng DA o ibabalik sa Amerika. | ulat ni Rey Ferrer