Pinasusumite ni SAGIP partylist Rep. Rodante Marcoleta ang LTFRB ng listahan ng lahat ng modernized jeep na naipasok sa PUV modernization program.
Ito aniya ay para masuri kung ang lahat ng ito ay tumalima sa itinatakdang Euro 4 standard.
Kasama kasi aniya sa mga natanggap na ulat ng komite na may mga modern jeep na pinayagang makapasok sa programa kahit hindi naman Euro 4 standard.
Handa naman tumalima ang LTFRB sa atas ni Marcoleta.
Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz ang naturang mga modern jeep ay dumadaan sa pagsusuri ng DTI upang masiguro na compliant sa itinatakda ng batas.
Ang paggamit ng Euro 4 standard na makina ay salig sa Clean Air Act. | ulat ni Kathleen Forbes