Ie-extend pa ng Land Bank of the Philippines ang pag-waive ng transaction fees sa online banking transfer sa halagang ₱1,000 pababa upang makatulong sa ating mga kababayang nais mag-transfer gamit ang Land Bank online platforms nito.
Ayon kay Land Bank President and CEO Lynnette Ortiz, layon ng kanilang pag-e-extend na makatulong pa sa ating mga kababayan na gumagamit ng online bank transfer ng libre lalo na kung magta-transfer ng mas mababang halaga.
Kaugnay nito ayon pa kay Ortiz na binabaan na rin nila ang singil sa online bank transfer ng mas hihigit pa sa ₱1,000 na nasa ₱15 lamang.
Samantala hangad naman ng Government owned bank ng Pilipinas na magkaroon ng mas mura at de-kalidad na serbisyo ang Land Bank upang mas makapang-akit pa ng maraming mag-iimpok sa naturang bangko. | ulat ni AJ Ignacio