Pag-waive sa singil ng online fund transfer transaction fees mula ₱1,000 pababa, ipagpapatuloy pa ng Land Bank

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ie-extend pa ng Land Bank of the Philippines ang pag-waive ng transaction fees sa online banking transfer sa halagang ₱1,000 pababa upang makatulong sa ating mga kababayang nais mag-transfer gamit ang Land Bank online platforms nito.

Ayon kay Land Bank President and CEO Lynnette Ortiz, layon ng kanilang pag-e-extend na makatulong pa sa ating mga kababayan na gumagamit ng online bank transfer ng libre lalo na kung magta-transfer ng mas mababang halaga.

Kaugnay nito ayon pa kay Ortiz na binabaan na rin nila ang singil sa online bank transfer ng mas hihigit pa sa ₱1,000 na nasa ₱15 lamang.

Samantala hangad naman ng Government owned bank ng Pilipinas na magkaroon ng mas mura at de-kalidad na serbisyo ang Land Bank upang mas makapang-akit pa ng maraming mag-iimpok sa naturang bangko.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us