Para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, maituturing na ‘fully recovered’ na ang ekonomiya ng bansa, partikular ang labor sector dahil sa pagbaba ng ‘unemployment rate’ noong Nobyembre 2023 kumpara noong Oktubre 2023.
Ito ay matapos maitala ang 3.6% na unemployment rate noong November 2023 mula sa 4.2% noong Oktubre.
Ang numerong ito na ang pinakamababang unemployment rate simula noong 2005.
Ayon kay Villanueva, patunay din ito na epektibo ang mga polisiyang ipinatuutupad ng pamahalaan
Gayunpaman, pinaalala ng senador na hindi pa nagtatapos dito ang trabaho ng lahat.
Mahalaga aniyang mabantayan din ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Trabaho Para Sa Bayan Act.
Pinaliwanag ni Villanueva na ang naturang batas kasi ang magtitiyak ng komprehensibo at maayos na employment plan na may kaakibat na incentive system at pagbibigay prayoridad sa edukasyon, training at paglikha ng trabaho. | ulat ni Nimfa Asuncion