Simula sa January 22, ay hindi na kailangang magbayad ang mga business taxpayer ng Annual Registration Fee sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Batay yan sa inilabas na abiso ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Ayon sa BIR, ito ay alinsunod sa nilagdaang Republic Act 11976 o Ease of Paying Taxes Act.
Sa ilalim nito, exempted na ang business taxpayers sa paghahain ng BIR Form No. 0605 at pagbabayad ng ₱500 ARF bago sumapit ang katapusan ng Enero ng bawat taon.
Ayon naman sa BIR, ang mga taxpayer na may kasalukuyang BIR Certificate of Registration (COR) na may kasamang registration fee ay mananatiling valid.
“These taxpayers may choose to update / replace their COR at their converlience. This can be done at the Revenue District Office, where they are registered on or before December 31, 2024, by surrendering their old COR.” | ulat ni Merry Ann Bastasa