Pagbibigay ng angkop na benepisyo para mga guro, iginiit ni VP Sara Duterte sa kaniyang Basic Education Report 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kanilang pagsusumikap na maibigay sa lalong madaling panahon ang mga angkop na benepisyo para sa mga guro at kawani ng Edukasyon.

Iyan ang inihayag ng Pangalawang Pangulo nang ilahad nito sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang Basic Education Report para sa taong 2024.

Ayon kay VP Sara, palalakasin ng Department of Education (DepEd) ang kakayahan ng mga guro sa pagtuturo sa pamamagitan ng ikakasa nilang guidlines para sa Employee Welfare and Well Being.

Magtatatag din ang kagawaran ng Calamity Fund na siyang makatutulong sa mga guro at mga kawani ng Edukasyon sa panahon ng kalamidad.

Ilalabas din ng DepEd ang polisiya para sa pagbibigay ng Teaching Overload Pay kung saan, sinabi ni VP Sara na dapat matapatan ng angkop na kompensasyon ang kanilang iginugugol na oras para bigyan ng tamang edukasyon ang mga mag-aaral

Dagdag pa ni VP Sara, isusulong din nila na mabigyan ng health insurance ang mga guro at non-teaching personnel at Overtime Pay para sa sobrang oras na kanilang ilalaan para gampanan ang kanilang tungkulin.

Ngayong araw, ilalabas ang Administrative Order na nag-aalis ng administrative workload sa mga guro at sa halip ay kukuha ng karagdagang puwersa ang kagarawan para siyang sasalo nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us