Tina-target ng Department of Agriculture (DA) na mapalawak pa sa taong ito ang Pinoy agricultural products na maibida sa food market ng bansang Japan.
Ayon sa DA, nang samahan ni Agriculture Secretary Kiko Laurel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Japan noong nakaraang buwan, nagkaroon ito ng pagkakataon na makipag-usap sa ilang Japanese officials at businessmen na bukas na mag-export ng mas maraming produkto sa bansa.
Kabilang dito ang isda at tropical fruits gaya ng pinya, saging, avocado, manga, durian, mangosteen, at okra.
Kasunod nito, ay nakaiskedyul na rin aniya ang unang pulong ng Philippines-Japan Joint Committee on Agriculture sa ikalawang quarter ng taong ito para sa pagtalakay ng agri-fisheries trade at market access.
“This very first meeting of the joint agriculture committee of the two Asian neighbors here in the Philippines will provide an avenue to follow through the agri-fisheries trade and market access discussions started in Japan,” ani Sec. Laurel.
Inaasahan pa ng DA na magiging magandang pagkakataon ang joint agriculture meeting para talakayin ang technical at project collaborations sa ilalim ng nilagdaang MIDORI Cooperation Plan.
Sa kasalukuyan, Japan ang ikalawa sa pinakamalaking market ng Philippine agri-food exports, na pumalo sa trade surplus na $824-million noong 2022. | ulat ni Merry Ann Bastasa