Naniniwala ang Commission on Higher Education o CHED na tataas pa ang passing rate ng mga Pinoy nurses na nais magtrabaho abroad sa pagbubukas ng mga karagdagang review center sa bansa.
Ayon kay CHED Commissioner Dr. Ronald Adamat, sa ngayon nasa 49% lamang ang passing rate ng National Council Licensure Examination for Registered Nurses o NCLEX.
Bagama’t maganda ang bilang na ito ay mababa pa rin ito sa 50% at target sana nilang umabot ng 70% Sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga karagdagang review center.
Sa inilabas na pahayag ng US Embassy noong nakaraang taon ay umabot sa 200,000 nurse ang kanilang kinailangan.
Samantala, ayon naman kay Dr. MJ Evangelista ng US Review Nursing Center, karamihan sa mga bansa na nangangailangan ng mga nurse ay gusto ng mga pilipino dahil kilala ang mga ito sa pagiging masipag at maalaga.
Ang US Review Nursing Review Center ang pinakabagong review center na nagbukas sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer