Malugod na tinanggap ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagbisita sa bansa ni United Nations Special Rapporteur Ms. Irene Khan simula ngayong araw hanggang February 2.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang pagbisita ni Ms. Khan ay magandang pagkakataon para sa NTF-ELCAC at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na maipakita ang lahat ng kanilang ginagawa para mapangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan.
Giit ni Usec. Torres, committed ang NTF-ELCAC na itaguyod ang Rule of Law, at mariing kinokondena ang lahat ng pang-aabuso at karahasan sa kababaihan at kabataan.
Dedicated din, aniya, ng NTF-ELCAC na isulong ang transparency at responsableng komunikasyon, para mapangalagaan ang mga mamamayan mula sa banta ng terorismo at violent extremism.
Sinabi ni Usec. Torres na inaasahan nila ang mabungang pakikipagdiyalogo at kolaborasyon sa UN Rapporteur at kanyang team. | ulat ni Leo Sarne