Pinapaimbestigahan ni Senate Committee on Migrant Workers chairman Senador Raffy Tulfo ang napapaulat na iligal na gawain ng Pinoy Care Visa Center (PCVC) at iba pang recruitment agencies na umaabuso sa student visa-to-work permit.
Sa inihaing Senate Resolution 905 ni Rulfo, pinunto nito na base sa sumbong ng mga biktima ay pinag-apply sila student visa patungong Canada na may pangakong maproproseso ang kanilang aplikasyon sa loob ng tatlong buwan at na makakakuha sila ng trabaho para mabayaran ang kanialng tuition fee at living expenses doon.
Pinagbayad umano sila ng tig P100,000.
Matapos nilang magbayad, ay pinapirma sila sa isang memorandum of agreement (MOA) na nagsasabing non-refundable na ang kanilang ibinayad.
Dito pa lang ibinigay sa mga biktima ang mga requirement na mahirap anilang makuha.
Kalaunan ay hindi na umano sumasagot ang kumpanya sa mga tanong at concern ng mga biktima at humantong pa sa bantaan nang nanghihingi na ng refund at magrereklamo ang mga biktima ng kumpanya.
Nakasaad rin sa resolusyon ni Tulfo na kabila ng mga reklamo laban sa PCVC ay patuloy pa rin itong nagsagawa ng mga seminar sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nakapang biktima pa ng mas maraming Pinoy na nangangarap makapag-aral at trabaho sa Canada.
Kaya naman nais ni Tulfo na maimbestigahan sa Senado ang isyu para matugunan at matulungan ang mga biktima.| ulat ni Nimfa Asuncion