Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang paggawad ng promosyon sa limang matataas na opisyal ng militar.
Ito ay sa isinagawang Donning of Ranks Ceremony ngayong araw sa Camp Aguinaldo.
Kabilang sa mga umangat sa susunod na ranggo sina: Presidential Security Command (PSC) Commander Major General Jesus Nelson Morales; Coastal Defense Regiment of the Philippine Marine Corps Commander Brigadier Gen. Romulo Quemado II; Commander of Joint Special Operations Group BGen Eliglen Villaflor; Deputy Commander of the Presidential Security Command BGen Ronaldo Juan; at Chief Chaplain Service AFP BGen Daniel Tansip.
Ayon kay Gen. Brawner, ang pag-angat sa pwesto ng mga nabanggit na opisyal ay testamento ng kanilang dedikasyon sa tungkulin at matapat na pagseserbisyo sa mga mamamayan at bansa. | ulat ni Leo Sarne