Nagpahayag ng kasiyahan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa preparasyong ginawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa Traslacion 2024 sa darating na January 9.
Ito ang inihayag ng PNP chief, matapos i-report sa kanya ng NCRPO na nakahanda na ang kanilang hanay para sa okasyon, na unang pagkakataong isasagawa muli makalipas ang pandemya.
Ayon sa PNP chief, hindi lang table-top exercises ang ginawa ng NCRPO, kundi aktual na pagsasanay ng mga tropa sa ground, para sa lahat ng posibleng scenario.
Sinabi ni Acorda na kinonsidera din ang posibilidad na may mga masasaktan at may makararanas ng mga minor physical illness, kaya’t maglalatag din aniya ng mga medical station sa bawat segment na dadaanan ng andas.
Kinukonsidera din aniya ang pagkuha ng “augmentation force” mula sa mga kalapit na Police Regional Office, para pandagdag sa mahigit 15,000 pulis na ide-deploy ng NCRPO para sa Pista ng Itim na Nazareno. | ulat ni Leo Sarne