Ipinapanukala ni Las Piñas Representative Camille Villar ang pagtatalaga ng mga nursery at childcare facilities malapit sa mga pampublikong paaralan.
Ipinunto ni Villar sa kaniyang House Bill 9582, na mahalagang masiguro din ng mga guro na may sapat at angkop na pangangalaga ang kanilang sariling mga anak habang sila ay nagtatrabaho.
Batay sa panukala, kailangan na ang naturang pasilidad ay itatayo ng hindi hihigit sa isang kilometro ang layo mula sa paaralan kung saan nagta-trabaho ang guro.
Ang DepEd ang naatasan na bumuo ng panuntunan sa pagpapatakbo ng naturang childcare facility.
Isasailalim naman ng DepEd at DSWD sa taunang evaluation ang pagiging epektibo ng serbisyo ng pasilidad.
“By establishing nursery and childcare facilities within the premises or within reasonable vicinity from the public schools, teachers will feel assured that their children receive the proper care while they are performing their functions. This measure seeks to recognize the valuable role teachers play in molding future generations and to support their work-life balance effectively.” sabi ni Villar | ulat ni Kathleen Forbes