Ikinatuwa ni Manila Representative Joel Chua ang pormal na deklarasyon sa Quiapo Church bilang National Shrine.
Ayon kay Chua, pinatotohanan lamang nito ang mahalagang papel ng naturang Minor Basilica sa debosyon ng mga Katoliko sa Hesus Nazareno.
Taon-taon aniya ito nakikita sa maigting na panata ng mga deboto sa kanilang pakikibahagi sa Traslacion.
“My own prayer and hope is that the intensity manifested every Traslacion is manifested in equally fervent action in the family, community, and nation as frequently as humanly possible by the same striving devotees,” sabi ni Chua.
Itinaas ang Quiapo Church bilang isang shrine matapos maabot ang mga rekisitos ng National Episocpal Conference na kumikilala sa impluwensya ng simbahan sa kultural, kasaysayan, at sa buhay ng mga mananampalataya.
Partikular dito ang debosyon sa Itim na Nazareno at ang tradisyonal na Traslacion. | ulat ni Kathleen Jean Forbes