Seryoso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na gawing malinis ang mga barangay sa bansa sa ilalim ng Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan o KALINISAN Program.
Kaakibat ng paglilinis ay ang pagtatanim ng mga gulay, mga fruit bearing trees at iba pang puno sa kapaligiran.
Ayon kay DILG Usec for Barangay Affairs Chito Valmocina, dapat pang paigtingin at magtuloy-
tuloy ang paglilinis at pagtatanim sa mga barangay.
Hinimok ni Valmocina ang lahat ng komunidad at iba pang sektor na makiisa sa programa.
Malaki aniya ang maitutulong ng mga pananim para masolusyonan ang problema sa kagutuman, kahirapan, kalusugan, kalikasan, pati sa climate change at global warning.
Giit pa ni Valmocina ang malaking papel na gagampanan ng mga bagong halal na barangay officials para ma-maintain ang proyekto ng pamahalaan.
Kamakailan lang, matagumpay na inilunsad ng DILG ang KALINISAN Program sa buong bansa na nilahukan ng 33,403 barangays at 1.616 milyong mamamayang Pilipino. | ulat ni Rey Ferrer