Kinumpirma ng US Embassy sa Manila na nasa bisinidad ng Subic Bay ang Commercial Tanker na Yosemite Trader para maglipat ng “clean fuel” mula sa US military facility sa Pearl Harbor patungo sa isang commercial storage facility sa Subic.
Ang pahayag ng embahada ay kasunod ng pagkwestyon ni Senate Foreign Relations Committee Chair, Sen. Imee Marcos sa napaulat na paglipat ng 39 milyong galon ng langis ng U.S. Navy patungo sa Subic.
Ayon sa US Embassy, ang karga ng Yosemite Trader ay bahagi ng ilang shipment ng ligtas at malinis na langis mula sa Red Hill Storage Facility sa Pearl Harbor na ililipat sa iba’t ibang lokasyon sa Pasipiko.
Binigyang diin ng embahada na ang lahat ng pangangailangan para sa paglipat at pag-iimbak ng naturang langis ay idinaan sa “proper channels”, gamit ang mga establisadong “logistics contracts” sa “Philippine commercial entities”. | ulat ni Leo Sarne