Umaasa si Senadora Imee Marcos na mas maibababa pa ang presyo ng mga bilihin ngayong bagong taon.
Hiling ng senadora ngayong 2024, paigtingin pa ang pagtulong sa mga magsasaka at mangingisdang Pilipino para maibsan ang problema sa presyo ng mga bilihin.
Kailangan rin aniyang subukang ibaba ang halaga ng gasolina sa pamamagitan ng pagbawas ng buwis at tugunan ang isyu ng smuggling ng mga produktong petrolyo.
Isa ring isyu na nais matugunan ni Senadora Imee ngayong taon ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs), lalo sa gitna aniya ng magulo at mapanganib na sitwasyon sa maraming bahagi ng mundo.
Giit ng mambabatas, kailangang tanggapin ng ating bansa na sa puno’t dulo, sinuman ang ating kaalyado, ay wala tayong maaasahan kundi ang ating sarili.
Ipinunto rin ni Senadora Imee ang sinabi noon ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos na ang ating lipunan ay parang bulkan na malapit nang sumabog dahil sa kasakiman, pang-aapi at pagtratraydor.
Kaugnay nito, umaasa ang mambabatas na sasabog ang bulkan ng lipunan at makakamit ang isang mapayapang kinabukasan para sa ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion