Hindi na nagpapakawala ng tubig sa ngayon ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Sa datos ng PAGASA Hydrometreology, as of 6am, ay nasa 214.08 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam, mas mababa na kumpara sa 214.17 meters kahapon.
Matatandaang hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na maiangat sa 214 meters ang water elevation sa Angat Dam sa pagtatapos ng taong 2023 para magkaroon ng ‘extra buffer’ sa naturang dam bilang paghahanda sa epekto ng El Niño.
Samantala, maging ang Ipo Dam ay itinigil na rin kahapon ang pagpapakawala ng tubig dahil mas mababa na spilling level ang antas nito.
Bukod sa Ipo Dam, nabawasan rin ng bahagya sa magdamag ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa