Nagpulong kahapon ang mga opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) para pag-planuhan ang modernisasyon at pagpapalakas ng kapabilidad sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno; kasama sina Assistant Secretary Hernando Caraig Jr., Asec Rafaelito Bernardo Alejandro IV, Asec Markus Lacanilao, Director Cesar Idio, Dir. Harold Cabreros at iba pang opisyal ng OCD.
Kabilang sa mga napag-usapan ang “augmentation” ng mga DRRM team, pagtatatag ng karagdagang pasilidad tulad ng mobile command centers, at pagpapalakas ng ugnayan sa iba’t ibang sektor.
Napag-usapan din ang paglulunsad ng Civil defense training institute, pagpapalakas ng mga sistema ng OCD, at pagbuo ng “resilience master plan”.
Sinabi ni Usec. Nepumoceno na mahalagang mailatag ang malinaw na direksyon ng ahensya para sa epektibong “prioritization” ng mga programa at stratehiya, upang mas epektibong makapaghatid ng serbisyo sa publiko. | ulat ni Leo Sarne
📷: OCD