Tiniyak ng Department of Agriculture na tinututukan na nito ang pagpapalakas sa lokal na produksyon partikular ng bigas sa kabila ng hamon ng El Niño.
Ito ay sa gitna ng projection ng United States’ Department of Agriculture (USDA) na mananatiling “Top 1 Global Rice Importer” ang Pilipinas dahil sa projection na 3.8 milyong metriko tonelada rice import sa 2024.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nito lamang 2023 ay bumaba na ang inangkat na bigas ng bansa dahil pumalo sa 20 milyong metriko ang produksyon.
Kung makakamit pa rin aniya ang ganito kataas na lebel ng produksyon ay posibleng hindi naman pumalo sa 3.8 milyong metriko tonelada ang importasyon ng bansa.
Dagdag pa nito, puspusan na rin ang ginagawang hakbang ng DA partikular ang ‘mitigating measures’ upang masigurong maaalalayan ang mga rice producing provinces mula sa epekto ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa