Pagpapalawig sa franchise consolidation, pinaboran ng ilang jeepney driver sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang problema sa ilang mga jeepney driver sa Quezon City ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin pa ng tatlong buwan ang jeepney consolidation.

Karamihan ng mga nakapanayam ng RP1 team sa Elliptical Road ay nakahabol sa consolidation noong Disyembre at may biyaheng Tandang Sora-City Hall.

Ayon kay Mang Freddie, magandang balita ito dahil hindi na mag-aalala pa ang ilang jeepney driver/operator na hindi na sila makakabiyahe pa pagsapit ng Pebrero.

Ganito rin ang sinabi ni Mang Gil dahil mabibigyan pa aniya ng pagkakataon ang kanilang mga kasamahan na hindi pa nakapag-consolidate.

Dahil naman dito, umaasa si Mang Gil na itigil na rin ng ibang transport group ang pagkikilos protesta nang hindi na rin madamay ang ibang tsuper.

Kaugnay nito, umaasa naman si Mang Jonas na magkusa rin ang mga operator na asikasuhin ang pag-consolidate at huwag nang hintayin pa muli ang deadline ng pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us