Humirit si Sta. Rosa City Representative Dan Fernandez na gawing mandatory sa PUV Modernization na mapanatili ang iconic na itsura ng mga Pinoy jeep.
Ayon sa mambabatas, kailangan ito upang mapreserba ang cultural at historical value ng Pinoy jeep.
Ani Fernandez, maaaring magtakda ang Department of Transportation (DOTr) ng porsyento kung ilan dapat sa mga modernized jeep ng kada kooperatiba o korporasyon ang may iconic na Pinoy jeep design.
Sa kasalukuyan ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz, binibigyang kalayaan ang mga kooperatiba sa disensyo ng kanilang modern jeep kung saan ang iba ay mukhang mini bus, ngunit hinihikayat aniya ang mga ito na panatilihin ang Pinoy jeep design. | ulat ni Kathleen Jean Forbes