Nagsisilbing motibasyon at morale booster sa mga tropa ng Visayas Command (VISCOM) ang pagkilala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang mga accomplishment laban sa NPA.
Ito ang inihayag ni VISCOM Commander Lt. General Benedict Arevalo matapos gawaran ng Pangulong Marcos Jr. ng campaign streamer ang apat na unit ng VISCOM para sa kanilang tagumpay laban sa NPA sa nakalipas na taon.
Kasama si Defense Secretary Gilbert Teodoro at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa paggawad ng campaign streamer sa mga natatanging unit ng VISCOM kahapon sa Command Conference sa Camp Aguinaldo.
Kabilang sa mga pinarangalan ang 303rd Infantry Brigade at 94th Infantry Battalion, kapwang Joint Task Force (JTF) Spear sa Western Visayas; at 801st Infantry Brigade at 3rd Infantry Battalion, kapwang JTF Storm sa Eastern Visayas.
Sinabi ni Arevalo na ang parangal na nakamit ng VISCOM ay para rin sa lahat ng local government unit, active partner agencies, private sector, non-government organizations, at mamamayan, na nagtulong-tulong para sa tagumpay ng kampanya kontra sa NPA sa Visayas. | ulat ni Leo Sarne
📷: VISCOM