Ibinahagi ni Albay 3rd District Representative Cong. Fernando “Didi” Cabredo na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 11973 o ang pagpapatayo ng Bicol University College of Veterinary Medicine sa Ligao City, Albay.
Matatandaan na nitong Setyembre 2021 ng simulan ni Congressman Cabredo ang nasabing bill sa kongreso sa pamamagitan ng taunang pagpopondo at suporta mula sa pamahalaan.
Samantala, ang lupang pagtatayuan ng BUCVM na nasa limang ektarya ay donasyon mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Ligao.
Mayroong tatlong gusali ang Doctor of Veterinary Medicine, dalawang three-story building para sa lecture at laboratory at isang gusali naman na may dalawang palapag para sa veterinary teaching hospital.
Target na matapos ang pagpapatayo ng gusali sa 2026 at magagamit sa 2028.
Ang RA 11973 ay kautusan sa pagpapapatayo ng unibersidad na mag-alok ng anim na taong Doctor of Veterinary Medicine (DVM) Program, na kinabibilangan ng dalawang taong preparatory curriculum at isang apat na taong propesyonal na veterinary medicine curriculum. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay
📷Fernando “Didi” Cabredo