Mahalagang makapagpasa ng mga kinakailangang batas na layong palakasin ang mga Pilipinong manggagawa.
Binigyang-diin ito ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa harap ng pagbaba ng unemployment rate sa bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, panahon na upang buksan ang formal economy para sa part-time at alternative work arrangements.
Ilan lamang sa mga panukalang nakabinbin sa Kamara ay ang Apprenticeship Bill, Lifelong Learning Bill, at ang Enterprise Productivity Act.
Kaya kung maipapasa ang mga ito bilang batas, sinabi ni Balisacan na malaking tulong ito upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng trabaho. | ulat ni Jaymark Dagala