Welcome sa Department of Finance ang pagsasabatas ng Republic Act 11976 o ang Ease of Paying taxes (EOPT) Act.
Ang EOPT Act ay kabilang sa priority legislation ng administrasyong Marcos Jr. na binanggit ng pangulo sa kaniyang ikalawang State of the Nation address nung nakaraang taon.
Layon nitong imodedernisa at pataasin ang efficiency at kahusayan ng tax administration sa bansa.
Palalakasin din nito ang karapatan ng mga mamamayan nan nag nagbabaayad ng buwis at pahihitulutan ang gobierno na makuha ang mas maraming nagbabayd ng buwis sa pamamagitan ng pag-streamline ng sistema at pagliit ng pasanin ng mga taxpayers.
Umaasa ang kagawaran na sa pamamagitan ng bagong batas.. tataas ang koleksyon at kita ng pamahalaan.
Ang nilagdaan ng punong ehekutibo na batas ay bilang suporta sa hangaring na 8-pt socioeconomic agenda administrasyon at sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes