Pagsisimula ng operasyon sa Mindanao-Visayas Interconnection Project, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masaya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matapos ang mahabang paghihintay ay tuluyan nang umarangkada ang operasyon ng Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP).

Sa isinagawang ceremonial energization ng MVIP sa Palasyo, sinabi ng Chief Executive na first ever in history sa bansa na ang tatlong pangunahing power grid, ang Luzon, Visayas, at Mindanao, ay magkakakonekta.

Mayroong 184-circuit-kilometer na High-Voltage Direct Current submarine cable na may transfer capacity na 450 MW ang mag-uugnay sa Mindanao at Visayas grids sa pamamagitan ng Dapitan, Zamboanga del Norte, at Santander sa Cebu.

Kaugnay nito ay pinuri ng Pangulo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa harap ng benepisyong maipagkakaloob ng nasabing istraktura.

Partikular na dito ang maipagkakaloob nitong power supply mula sa Mindanao na maipadala sa mga tahanan at establisyimento sa Visayas, at ngayon ay hanggang sa Luzon at vice versa.

Ang koneksyong ito sabi Ng Pangulo ay magbubukas ng malaking potensyal para sa sosyo-ekonomikong pag-unlad para sa parehong Visayas at Mindanao.

Dagdag ng Pangulo, na ang pagkakamit ng “One Nation, One Grid” ay isang mahalagang hakbang para sa bansa upang matiyak ang maayos at maaasahang suplay ng kuryente sa lahat ng oras. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us