Malaking bagay na rin ang pagiging bukas ng Senado sa pag-amiyenda ng Saligang Batas.
Ito ang tugon ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ng mahingan ng reaksyon kaugnay sa itinutulak na Resolution of Both Houses No. 6 ng Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ayon Salceda, kung titignan ang records, umabot na ng 358 na panukala ang inihain sa Kamara mula pa 8th Congress para amiyendahan ang konstitusyon, ngunit lahat ng ito, “namamatay” pagdating sa senado
Katunayan 54 dito ay inihain pagkatapos mismo ng unang constitutional convention.
Aminado naman si Salceda, na isa ring ekonomista na ang bersyon ng Senado ng charter change ay may maliit lamang na impact sa ekonomiya.
Sa ilalim kasi ng RBH 6, tatlong probisyon lamang ang babaguhin na mayroon lamang aniyang impact na 2% growth.
Habang ang 7 point RBH2, na naunang pinagtibay ng Kamara noong 18th Congress ay makapagdadala ng dagdag na 14% sa ekonomiya.
Kaya maigi aniya na mag-usap ang liderato ng Senado at Kamara.| ulat ni Kathleen Forbes