Pagsusulong ng people’s initiative, kinuwestiyon ni Sen. Estrada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinuwestiyon ni Senador Jinggoy Estrada ang timing ng people’s initiative (PI).

Sa isang privilege speech, sinabi ni Estrada na kaduda-duda ang pagsusulong nito sa panahong nalalapit na ang midterm elections.

Giniit pa ng senador, na habang paulit-ulit na ipinaglalaban ng ating bansa ang soberanya sa karagatan, may ilan naman aniyang nagsusulong na maluwagan ang probisyon tungkol sa pagmamay ari ng lupa dito sa Pilipinas.

Para sa mambabatas, ang hakbang na ito ay nagpapahina lang ng proteksyon ng karapatan ng mga Indigenous People (IP) sa kanilang ancestral lands.

Samantala, sa naging talakayan sa plenaryo binigyang diin ni Sen. Pia Cayetano kung tunay bang naiintindihan ng mga pumirma sa isinusulong na people’s initiative ang nakasaad sa naturang petisyon.

Ayon kay Cayetano, siya mismo na abugado ay hirap nang intindihin ang mga nakasulat o mga salitang ginamit sa naturang petisyon kaya paano pa kaya ang mga ordinaryong mga mamamayan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us