Inanunsyo ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilaition and Unity (OPAPRU) ang paglulunsad ng Master Development Plan para i-convert sa isang zone of peace and development ang Camp Abubakar sa Barira Maguindanao del Norte.
Ang 20-taong Conversion plan para sa dating kampo ng MILF, ay katatampukan ng inisyal na 234 na Housing unit na itatayo sa taong ito.
134 sa mga unit ang popondohan ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) program ng pamahalaan, habang ang 100 unit ay sasagutin BARMM Government.
Kasama din sa plano ang pagtatayo access roads, telecommunication facilities, potable water sources, agricultural plantation areas, institutional and religious buildings, health facilities, at mercantile areas.
Ayon kay OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. ang proyekto ay pangunahing para sa benepisyo ng mga na dekomisyon na mandirigma ng MILF, sa patuloy na pagsisikap ng OPAPRU na lumikha ng mga komunidad na ligtas, may dignidad, matatag, at positibong nakakaambag sa lipunan at ekonomiya. | ulat ni Leo Sarne