Pagtitipid sa tubig at kuryente, dapat sundin sa gitna ng nagbabadyang epekto ng mas matinding El Niño ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang isang mambabatas na dapat ay mahigpit na ipatupad ang mga batas at hakbang para sa pagtitipid ng tubig at kuryente.

Ito’y bunsod na rin ng inaasahang epekto ng mas pinatinding El Niño ngayong taon.

Ayon kay House Committee on Ecology Chair Marlyn Alonte, mahalaga na simulan ang water at energy conservation bilang paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.

Maliban kasi aniya sa El Niño ay kailangan din paghandaan ang La Niña na mayroon ding hatid na matinding pinsala sa bansa.

 

Sabi pa ng mambabatas, na maaaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang bilyong dolyar na pondo ng World Bank para sa climate change at disaster management. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us