Kinikilala ng Commission on Human Rights ang pagtutulungan ng Department of Migrant Workers at Anti-Money Laundering Council para proteksyunan ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa illegal recruiters at traffickers.
Sa ilalim ng kanilang nilagdaang Memorandum of Agreement, inaasahan pang mabawi ang assets ng OFWs na nakolekta ng illegal recruiters at trafficking syndicates.
Dahil sa kakayahan ng AMLC na magpatupad ng freeze-order, madali na para sa DMW ang magsagawa ng imbestigasyon para habulin ang mga sindikato sa loob man o labas ng border ng Pilipinas.
Lubos na katanggap-tanggap para sa CHR ang pagtutulungang ito dahil sa ibibigay na dagdag proteksyon sa karapatan ng migrant workers.
Pinupuri nito ang pagsisikap ng dalawang ahensya dahil sa kanilang proactive na paninindigan sa paglaban sa financial-related crimes na ang target ay mga OFW. | ulat ni Rey Ferrer