Pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, susi sa lumalawak nang implementasyon ng eBOSS — ARTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang whole-of-government approach sa mas lumalawak na implementasyon ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) sa bansa.

Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, nakatulong ang kolaborasyon nito sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Trade and Industry (DTI) para mapabilis ang mandatory compliance ng bawat lokal na pamahalaan sa eBOSS.

Ito ay alinsunod na rin sa Section 11(c) ng Republic Act (RA) 11032, o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 19 na LGUs sa bansa ang may fully streamlined at automated eBOSS.

Bukod dito, 16 na syudad at munisipalidad rin ang nagawaran na ng ARTA ng Certificate of Commendation.

Kabilang dito ang mga sumusunod: Manila City, Marikina City, Quezon City, Navotas City, Valenzuela City, Muntinlupa City, Parañaque City, Pasay City, San Fernando City, La Union, Ilagan City, Isabela, Batangas City, Batangas, Lapu-Lapu City, Cebu, San Roque, Northern Samar, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Malabon City, at Balanga City, Bataan.

Umaasa naman ang ARTA na mas maraming LGUs pa ang makakatugon sa mandato ng eBOSS sa tulong na rin ng ikakasang nationwide eBOSS Caravan this 2024.

“It is an honor to be working with the DILG, DICT, and DTI to hasten President Marcos Jr.’s thrust to improve government service delivery to Filipinos. As we heed the directives of the PMS, we have no doubt that we are well on our way towards more digitalized and streamlined processes,” ani Secretary Perez. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us