Welcome kay Sen. Bong Go ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
Partikular ang naging pahayag ng Pangulo, na hindi tutulong ang gobyerno sa anumang imbestigasyong gagawin ng ICC sa bansa.
Ayon sa senador, malinaw ang naging pahayag ng Pangulo na hindi kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC.
Sinabi pa ni Sen. Go, na makailang beses na nitong ipinupunto na tanging ang korte lamang ng Pilipinas ang maaaring lumitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kung mayroon man itong pananagutin.
Ito rin naman aniya ang posisyon ni dating Pangulong Duterte na handang harapin ang anumang kaso laban sa kanya basta’t ito ay sa loob ng Korte ng Pilipinas.
Para kay Go, hayaan nalang na Pilipino ang humusga sa naging pamamalakad noon ni Dating Pangulong Duterte. | ulat ni Merry Ann Bastasa