Nagpahayag ng kasiyahan si National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa magandang resulta ng kanilang pakikipagpulong kay United Nations Special Rapporteur (UNSR) Irene Khan.
Sa kanyang pambungad na mensahe sa pulong balitaan ng NTF-ELCAC, “FAQcheck: Nothing but the TRUTH”, sinabi ni Usec. Torres na ang kanilang pakikipag-usap kay Ms. Khan sa Welcome Dinner at sumunod na pulong sa Camp Crame, ay patunay ng pagiging bukas ng pamahalaan sa kolaborasyon.
Naging magandang pagkakataon aniya ito para maipakita ang sinseridad ng Administrasyong Marcos, at maipaliwanag ang mga batas, polisiya, at mekanismo ng pamahalaan sa UNSR.
Nagpasalamat naman si Usec Torres sa mga mahahalagang obserbasyon at rekomendasyon ni Ms. Khan na hango sa kanyang malawak na karanasan.
Sinabi ni Usec Torres, na dahil sa kakulangan ng panahon, humingi si Ms. Khan ng karagdagang pagpupulong, na inaasahan ng NTF-ELCAC na magiging karagdagang oportunidad para ipagpatuloy ang kanilang “collaborative dialogue”. | ulat ni Leo Sarne