Handa ang National Transmission Corporation o TransCo ng Department of Energy (DOE) na i-take over ang system operations ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Tugon ito ng ahensya matapos matanong ni Laguna Rep. Anne Matibag kung dapat na bang ibalik sa gobyerno ang SO ng NGCP.
Bunsod pa rin ito ng nangyaring malawakang blackout sa Panay.
Ayon kay Transco Pres. at CEO Fortunato Leynes, “ready” sila na na kunin ang SO ng NGCP.
Ang naturang hakbang ay isa rin sa rekomendasyon ng Department of Energy kung saan ang transmission operations na lang ang maiiwan sa pribadong kumpanya.
Batid naman ng NGCP na nasa kamay ng gobyerno ang pagbago sa kontratang pinasok kasama sila.
Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, igagalang nila kung ano ang magiging desisyon ng pamahalaan hinggil dito ngunit may malaking epekto aniya na babaguhin ang kontrata sa kalagitnaan ng effectivity nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes